Matagumpay na isinagawa ang isang caravan ng Bangko Sentral ng Pilipinas North Luzon Regional Office at Dagupan City Branch sa CB Mall, Lungsod ng Urdaneta.
Kahapon nang isagawa ang Piso Caravan ng BSP kung saan dinagsa ito ng mga residenteng nagpapalit ng kanilang mga perang may sira, lukot, luma o kumupas na.
Sa nakuhang datos ng IFM Dagupan sa pamunuan ng mall, umabot sa kabuuang 884 na banknotes ang naipapalit ng mga residente kung saan katumbas ito ng nasa P100, 000.
Nakatakda ding isagawa sa parehong venue sa darating na ika-12 ng Oktubre ang isang seminar ukol pa rin sa mga perang nasa sirkulasyon ngayon.
Samantala, magsasagawa rin ng parehong aktibidad na Piso Caravan ang BSP sa isang unibersidad sa Lungsod ng Dagupan sa darating na Miyerkules, ika-11 ng Oktubre.
Hinihikayat ng ahensya ang mga estudyante maging ang residente na maaaring magtungo sa naturang unibersidad upang ipalit ang mga hawak at naitatagong mga perang may diperensya na upang mapalitan ng bago. |ifmnews
Facebook Comments