Pumalo na sa 8,788 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Pasig ngayong umaga.
Ito ay batay sa pinakabagong tala ng health center ng lungsod.
Mula sa nasabing bilang 8,236 nito ay mga gumaling na sa naturang sakit habang ang 358 naman ay mga nasawi sa lungsod na dulot ng virus.
Ang natitirang 194 mula sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases ay mga indibiduwal na kabilang sa active cases.
Tiniyak naman ng alkalde na nananatili sa kanilang mga quarantine facilities ang mag active cases ng lungsod habang minomonitor ang kanilang kalusugan.
Binibigyan din ng tulong medikal ang mga kabilang sa active cases na may mga sintomas ng naturang sakit.
Dahil sa halos higit-kumulang 200 ang bilang ng active cases sa lungsod, may pakiusap pa rin ang alkalde sa mga residente ng Pasig na manatili sa loob ng bahay upang maging ligtas.
Pero kung hindi maiwasan, siguraduhin na sumunod sa mga ipinatutupad na mga health protocol at community quarantine guidelines upang maiwasan ang mahawaan at kumalat pa ang virus.