Kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa, pumalo na sa 459,789

59

Umabot na sa 459,789 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa ayon sa huling tala ng Department of Health (DOH).

Ito ay matapos makapagtala ang ahensya ng 1,754 na bagong kaso ng nasabing sakit kaya’t nasa 21, 708 na ang kabuuang bilang ng mga aktibong kaso COVID-19.

Habang 429, 134 na ang gumaling sa sakit matapos itong madagdagan ng halos 8,080 ngayong araw.


Samantala, pumalo naman sa 36 ang bilang ng nasawi ngayon araw dahil upang umakyat ang bilang ng kabuuang bilang ng binawian ng buhay sa 8,947.

Facebook Comments