Pumalo na sa 8,599 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Pasig.
Ito ang pinakabagong tala ng city health office ng lungsod kagabi.
Mula sa nasabing bilang, 8,031 dito ay mga gumaling na sa sakit habang ang 353 naman ay mga nasawi na dulot ng virus.
Ang natitirang 215 ay bilang naman ng mga active cases ng naturang sakit sa lungsod.
Dahil sa mahigit 200 pa ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod, muling pinapalala ni Mayor Vico Sotto na manatili sa loob ng bahay upang maging ligtas laban sa virus.
Dagdag pa niya, sundin ang mga ipinapatupad na mga health protocols laban sa COVID-19 upang hindi mahawaan ng naturang sakit at hindi na kumalat pa ito.
Tiniyak naman ng alkalde na mas papaigtingin pa nila ang kanilang mga hakbang at kampanya kontra COVID-19 upang bumaba na ang bilang ng nagkakasakit at active cases sa lungsod.