Kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, halos 470,000 na; DFA, hindi nakapagtala ng panibagong Pilipino sa abroad ngayong araw na tinamaan ng sakit

Umabot na sa 469,886 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH) ngayong araw, 883 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala kung saan pinakamarami ay mula sa Rizal na nasa 66.

Nasa 7,635 bagong recoveries naman ang naitala ng DOH dahilan para umabot na sa 438,678 ang kabuuang bilang ng mga gumaling.


Habang umabot na 9,109 ang bilang ng nasawi matapos madagdagan ng 42 ngayong araw.

Sa ngayon, nasa 22,099 na lamang ang total active cases sa bansa.

Samantala, walang naitalang bagong kaso ng mga Pilipino sa abroad ang tinamaan ng COVID-19.

Dahil dito, nananatili sa 12,828 ang mga Pilipinong tinamaan ng sakit sa abroad habang 3,575 ang mga nagpapagaling.

Nananatili naman sa 8,342 ang mga gumaling at 911

Facebook Comments