Kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, higit 407,000 na; Bilang ng mga gumaling sa sakit, nadagdagan ng mahigit 11,000 ngayong araw

74

Umabot na sa 407,838 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH) ngayong araw, 1,530 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala kung saan pinakamarami ay mula sa Cavite na nasa 90.


Nasa 11,290 bagong recoveries naman ang naitala ng DOH dahilan para umabot na sa 374,329 ang kabuuang bilang ng mga gumaling.

Habang umabot na 7,832 ang bilang ng nasawi matapos madagdagan ng 41 ngayong araw.

Sa ngayon, nasa 25,677 na lamang ang total active cases sa bansa.

Facebook Comments