Kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, higit 431,000 na, bilang ng mga Pilipino sa abroad na nagpositibo sa virus, nadagdagan ng 16 ngayong araw

Umabot na sa 431,630 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH) ngayong araw, 1,773 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala kung saan pinakamarami ay mula sa Rizal na nasa 104.

Nasa 44 bagong recoveries naman ang naitala ng DOH dahilan para umabot na sa 398,658 ang kabuuang bilang ng mga gumaling.


Habang umabot na sa 8,392 ang bilang ng nasawi matapos madagdagan ng 19 ngayong araw.

Sa ngayon, nasa 24,580 na lamang ang total active cases sa bansa.

Samantala… nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 16 na panibagong Pilipino sa abroad na nagpositibo sa COVID-19.

Dahil, dito sumampa na sa 11,692 ang bilang ng mga Pilipinong tinamaan ng virus.

Nakapagtala naman ang DFA ng dalawang Pilipinong namatay dahil sa sakit dahilan kaya umabot na sa 847 ang mga nasawi.

Habang nananatili sa 3,348 ang nagpapagaling at 7,497 ang mga gumaling na sa COVID-19.

Facebook Comments