Umabot na sa 432,925 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH) ngayong araw, 1,298 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala kung saan pinakamarami ay mula sa Ilocos Norte na nasa 84.
Nasa 135 bagong recoveries naman ang naitala ng DOH dahilan para umabot na sa 398,782 ang kabuuang bilang ng mga gumaling.
Habang umabot na 8,418 ang bilang ng nasawi matapos madagdagan ng 27 ngayong araw.
Sa ngayon, nasa 25,725 na lamang ang total active cases sa bansa.
Samantala, nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 16 na panibagong Pilipino sa abroad na nagpositibo sa COVID-19.
Dahil, dito sumampa na sa 11,708 ang bilang ng mga Pilipinong tinamaan ng virus.
Nakapagtala rin ang DFA ng 42 Pilipinong naka-rekober sa sakit dahilan kaya umabot na sa 7,539 ang bilang ng mga recoveries.
Habang nananatili sa 847 ang mga nasawi at 3,322 ang mga nagpapagaling sa COVID-19.