Kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, higit 451,000 na; bilang ng mga Pilipino sa abroad na tinamaan ng sakit, nadagdagan ng 96 ngayong araw

Umabot na sa 451,839 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH) ngayong araw, 1,135 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala kung saan pinakamarami ay mula sa Rizal na nasa 117.

Nasa 173 bagong recoveries naman ang naitala ng DOH dahilan para umabot na sa 418,867 ang kabuuang bilang ng mga gumaling.


Habang umabot na 8,812 ang bilang ng nasawi matapos madagdagan ng 56 ngayong araw.

Sa ngayon, nasa 24,160 na lamang ang total active cases sa bansa.

Samantala, nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 96 na mga Pilipino sa abroad na nagpositibo sa COVID-19 dahilan kaya sumampa na sa 12,446 ang mga Pilipinong tinamaan ng sakit.

Habang umabot na sa 8,069 ang mga Pilipinong gumaling matapos madagdagan ng 37 ngayong araw.

Nananatili naman sa 861 ang mga nasawi dahil sa COVID-19 habang 3,516 ang mga nagpapagaling.

Facebook Comments