Kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, higit 67,000 na!

Umabot na sa 67,456 ang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos madagdagan ng 2,241 ngayong araw.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health, sa nasabing bilang, 43,160 sa bagong kaso ay active cases, kung saan 90.1 percent dito ang mild, 9.1 percent ang asymptomatic at 0.4 percent ang severe at critical.

Nadagdagan naman ng 398 ang bilang ng gumaling na ngayon ay aabot na sa 22,465.


Habang 1,831 na ang nasawi matapos madagdagan ng 58.

Samantala, walang nadagdag sa bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa mga Pilipino sa abroad ngayong araw.

Sa kabuuan, nananatili pa rin sa 9,001 ang nagpositibo sa COVID-19 sa mga Pilipino sa abroad.

Habang 5,321 ang nakarekober sa sakit habang 3,046 pa rin ang nagpapagaling.

Facebook Comments