Kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, higit 300,000 na

Umabot na sa 301,256 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH) ngayong araw, 2,747 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala kung saan pinakamarami ay mula sa NCR na nasa 1,115.

Nasa 787 bagong recoveries naman ang naitala ng DOH dahilan para umabot na sa 232,906 ang kabuuang bilang ng mga gumaling.


Habang umabot na 5,284 na ang bilang ng nasawi matapos madagdagan ng 88 ngayong araw.

Sa ngayon, nasa 63,066 ang total active cases sa bansa.

Samantala, nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng tatlong Pilipino sa abroad sa nagpositibo ng COVID-19.

Apat naman ang nadagdag sa mga Pinoy sa abroad na nasawi dahil sa sakit na umabot na ngayon 790.

Habang siyam ang nadagdag sa mga gumaling dahilan para sumampa na sa 6,654 ang recoveries habang 2,989 ang nagpapagaling.

Facebook Comments