Kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Taguig, pumalo na sa mahigit 11,200

Umakyat na sa 11,209 ang kabuuang bilang ngayon ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Taguig, matapos itong madagdagan ng 39 sa nakalipas na 24 oras.

Mula sa nasabing bilang, 10,975 ang kabuuang bilang naman ngayon ng mga gumaling na mula sa naturang sakit, matapos naman magkaroon ng 43 new recoveries.

Nananatili naman sa 178 ang kabuuang bilang mga nasawi sa lungsod na dulot ng virus.


Habang ang 56 ay kasalukuyang bilang ng active cases sa Taguig na patuloy na nagpapagaling sa mga quarantine facility nito.

Base sa datos ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, nasa labing dalawang barangay na sa lungsod ang zero active cases.

Ito ay ang Barangay Bagumbayan, Ibayo-Tipas, Ligid-Tipas, San Miguel, Sta. Ana, Central Bicutan, Central Signal, Maharlika Village, North Daang Hari, South Daang Hari, South Signal, Tanyag at Upper Bicutan.

Facebook Comments