Manila, Philippines – Pinangunahan ni MMDA General Manager Jojo Garcia ng 2018 general formation at inspection ng vehicle at equipment ng ahensya.
Layon nito na tingnan ang pisikal na kakayahan at kahandaan ng mga tauhan at kagamitan ng ahensya na tumugon sa anumang uri ng emergency.
Tinawag ito na Operational, Readiness, Safety, Inspection Traffic Evaluation o ORSITE.
Dalawang libong limang daang tauhan at mga opisyal ng ahensya ang dumalo sa 2018 general formation na ginanap sa Quirino Grandstand sa lungsod ng Maynila.
Kabilang dito ang mga tauhan mula sa traffic, public safety at road emergency group.
Gagawaran din parangal ng MMDA ang mga natatanging traffic enforcer at mga kawani na nagpakita na kagalingan at katapatan sa pagganap sa kanilang tungkulin.
Kasabay nito, ipinagmalaki ni Garcia na maging bahagi ng MMDA dahil marami na ang nagbago sa ahensya, iba na ang tingin ng publiko sa MMDA, naibalik na ang dangal, marami ng accomplishment at achievement ang mga tauhan ng ahensya.