Kabuuang halos 10,000 OFWs na naapektuhan ng pandemic sa abroad, dumating sa bansa nitong nakalipas na Linggo

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na 9,461 na overseas Filipinos ang umuwi sa bansa nitong nakalipas na linggo.

Ito ay matapos na maapektuhan ang kanilang mga trabaho sa abroad dahil COVID-19 pandemic.

Pinakamaraming bilang ng repatriated OFWS ay mula sa Middle East.


Bunga nito, umaabot na ngayon sa 213,942 ang kabuuang bilang ng OFWs na napauwi ng pamahalaan mula nang pumutok ang pandemya nitong Pebrero.

71,998 (33.65%) ay sea-based habang 141,944 (66.35%) ang land-based.

Ngayong araw, karagdagang 1,790 na distressed OFWs mula Middle East ang dadating sa bansa.

Facebook Comments