Kabuuang halos 3,000 undocumented OFWs sa Saudi Arabia, nabigyan ng exit visa

Manila, Philippines – Halos 3,000 undocumented Filipinos sa Saudi Arabia ang nakakuha na ng exit visa bilang bahagi ng amnesty program ng Saudi Govt.

Ayon sa Philippine Consulate sa Jeddah,kalahati sa mga ito ang nakauwi na ng Pilipinas.

Kinumpirma naman ng konsulada na ilan sa Pinoy repatriates na nabigyan ng exit visa ay hindi sumisipot sa oras ng kanilang flight pabalik ng Pilipinas.


Ilan naman aniya ay nahaharang ng Saudi Immigration dahil may police records.

Kaninang umaga, karagdagang 65 undocumented ofws mula Riyadh ang dumating sa NAIA 2 sakay ng Philippine Airlines.
DZXL558, Joyce Adra

Facebook Comments