Kabuuang Kaso ng COVID-19 sa Cagayan Valley, Umabot sa 1, 689

Cauayan City, Isabela- Sumampa na sa 1, 689 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon dos.

Sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) Region 2, tatlo (3) lamang ang naitala na bagong kaso ng COVID-19 sa rehiyon as of September 29, 2020 na nagdadala sa kabuuang bilang na 1, 689.

Ang tatlong bagong kaso ay naitala ng probinsya ng Cagayan kung saan dalawa ang nagpositibo habang isa (1) sa lalawigan ng Isabela.


Gayunman, nakapagtala naman ng mataas na bilang ng recoveries ang rehiyon na umabot sa tatlumput walo (38).

Mula sa bagong recoveries, 9 ang naitala ng Cagayan, 11 sa Isabela at 18 sa Nueva Vizcaya.

Ang Cagayan ay mayroon nang total cases na 414, sa Isabela ay 624, nasa 86 naman sa Santiago City, 559 sa Nueva Vizcaya, 5 sa Quirino at isa (1) sa Batanes.

Kaugnay nito, mula sa total cases ng COVID-19 sa Lambak ng Cagayan, 417 dito ang active cases, 1,243 ang recoveries at 29 ang nasawi.

Facebook Comments