Kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na binabantayan nila ang sitwasyon ng mga kaso ng COVID-19 sa Cebu.
May regular nang koordinasyon aniya sila sa mga opisyal sa Cebu at Inter-Agency Task Force (IATF) para mapigil pa ang pagtaas ng kaso ng virus doon.
Sa kabila nito, sinabi ni Vergeire na nasa “moderate risk” pa lamang ang Cebu.
Ito ay dahil 42% pa lamang naman ang nagagamit na bed capacity sa lalawigan.
Ito ay bagama’t partikular aniyang tumataas ang paggamit ng COVID Bed sa mga ospital sa Lapu-Lapu City at Cebu City.
Ayon pa kay Vergeire, ilan sa dahilan sa pagtaas ng kaso ay ang huling pagpapasuri ng mga taong nakararamdam ng mga sintomas sa Cebu bukod sa hindi pagsunod sa health protocols lalo na sa mga nagdaang selebrasyon.