Kabuuang Kaso ng COVID-19 sa Isabela, Halos 27,000 na

Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa halos 27,000 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, Hunyo 30, 2021, sumipa sa 26,996 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa probinsya matapos madagdagan ng 49 na bagong positibong kaso.

Mayroon namang 102 na bagong gumaling sa COVID-19 na nagdadala sa kabuuang bilang na 25,418.


Nakapagtala din ang probinsya ng isang (1) COVID-19 related death kaya’t bahagyang tumaas sa 832 ang total deaths na naitala ng Isabela.

Sa kasalukuyan, mayroon pang 746 na aktibong kaso ng COVID-19 ang Lalawigan ng Isabela.

Facebook Comments