Nagbabala si OCTA Research fellow Guido David sa posibleng pagtaas pa ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon kay David, batay sa kaniyang projections ay posibleng umabot sa dalawang milyon ang kabuuang kaso sa bansa sa loob ng dalawang linggo.
Ito ay kung hindi mapipigilan ang pagsirit pa ng naitatalang bagong kaso.
Kahapon, umabot sa 13,573 ang naitalang bagong kaso sa Pilipinas na mas mataas sa inaasahan ng OCTA.
Sa Metro Manila, patuloy din ang pagtaas ng bagong kaso kada araw kung saan mula August 18 hanggang 24 ay nasa average na 2,019 ang naitatala kada araw.
Maliban sa Manila, Quezon City, Caloocan at Marikina, nakitaan din ng “critical” average daily attack rate ang ibang lungsod sa Metro Manila kung saan nasa 25 daily new cases ang naitatala sa bawat 100,000 populasyon.