Cauayan City, Isabela- Umakyat na sa 833 na bilang ng ‘confirmed cases’ ang naitala sa buong rehiyon ayon sa pinakahuling datos ng DOH.
Sa 833 na kaso, 259 dito ay ‘active cases’, 564 ang nakarekober at siyam (9) naman ang nasawi.
Batay sa breakdown ng DOH sa naitalang kabuuang kaso ng bawat Lalawigan sa rehiyon, nasa 286 na ang naitalang COVID-19 cases ng Cagayan, 36 sa Santiago City, 106 sa Nueva Vizcaya, apat (4) sa Quirino, habang nananatili namang COVID-19 free ang Probinsya ng Batanes.
Pinakamarami naman ang naitalang kaso ng Lalawigan ng Isabela na umabot sa 401.
Sa siyam (9) na casualty sa Lambak ng Cagayan, dalawa (2) ang naitala ng Cagayan, dalawa (2) sa Isabela, at lima (5) sa Nueva Vizcaya.
Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat, maging responsable at sumunod sa minimum health standards para manatiling ligtas mula sa COVID-19.