Kabuuang kaso ng Delta variant sa Pilipinas, posibleng umabot sa 2,000 – OCTA

Malaki ang tiyansang umabot sa 2,000 ang kabuuang kaso ng Delta variant sa Pilipinas kung magpapatuloy ang mabagal na genome sequencing.

Ayon kay OCTA Research Team expert Dr. Guido David, batay sa kanilang pagtataya sa ginagawang genome sequencing ng gobyerno, 100 samples lamang ang magagawa kada araw mula sa kabuuang 8,000 kaso ng COVID-19.

Nangangahulugan itong 2% lamang sa kabuuang bilang ng impeksiyon sa bansa.


Sa ngayon, umabot na sa 1,856 Alpha cases ang naitala sa bansa habang 2,146 ang Beta cases at 216 ang Delta cases.

Facebook Comments