Kasunod ng pagsisimula ng konstraksyon, ipinagmalaki ng Department of Transportation o DOTr ang kabuoang mapa ng North-South Commuter Railway o NSCR.
Ang NSCR ay may habang 147km na magdudugtong mula sa Calamba, Laguna at Clark, Pampanga.
Base sa mapa na inilabas ng DOTr kabilang sa istasyon ng NSCR ay nasa Calamba, Sta. Rosa, Alabang, Nichols, Buendia, Tutuban, España, Caloocan Bocaue, Malolos, San Fernando at Clark, Pampanga.
Inaasahan na sa 2022 magsisimula na ang pangunang operasyon nito at posibleng fully operation na sa taong 2023.
Dahil dito mas mapapabilis at komportable ang byahe ng pasahero na may malaking epekto sa ekonomiya ng bansa.
Mula Metro Manila papuntang Pampanga hindi na aabot sa isang oras ang byahe na kung dati ay 2 oras.
Kung mula sa Metro Manila naman papuntang Calamba, isang oras nalang ang byahe imbis na 3 oras.