KABUUANG NAAPEKTUHAN NG MALAWAKANG PAGBAHA SA BAYAMBANG, NASA HIGIT 15K INDIBIDWAL

Nasa kabuuang 15,080 indibidwal ang naging apektado sa malawakang pagbaha sa bayan ng Bayambang ayon sa tala ng Municipal Disaster Risk Reduction ang Management Office.

 

Kaya naman para matukoy ang lawak ng pinsalang idinulot ng nagdaang bagyo at ng habagat ay nakatakdang magsagawa ang MDRRMO ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA).

 

Ito’y para matukoy rin ang mga nangangailangang apektado sa barangay na sakop.

 

Magsisilbi rin ang nasabing assessment bilang batayan na susundin ng gobyerno para sa agarang aksyon tulong.

 

Nananawagan naman ang lokal na pamahalaan sa mga naging apektado na magsumite ng kanilang mga ulat sa pinsalang idinulot ng pagbaha sa kanilang mga tahanan at lugar.

 

Sa kabilang banda, bukod sa Bayambang ay kasalukuyan na rin isinasagawa ang RDANA sa bahagi ng Alaminos City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments