KADA KILONG PRESYO NG PULA AT PUTING SIBUYAS SA DAGUPAN CITY, PUMALO SA 160 to 180 PESOS

Pumalo na sa 160 hanggang 180 pesos ang kada kilo ng puti at pulang sibuyas sa mga pamilihan sa lalawigan ng Pangasinan partikular sa Dagupan City.
Bunsod ang nasabing pagtaas sa presyo ng mataas na pamuhunan at pahirapang pagkuha sa mga bagsakan market.
Bagamat ganito ay tiniyak ng grupong SINAG na sapat ang magiging suplay ng mga sibuyas sa lalawigan dahil malaking volume ang mailalabas sa mga storage facility.

Samantala, pangamba ng ilang residente at mamimili sa lungsod ang nangyaring pagtaas muli ng presyo na umabot sa 700 pesos ang kada kilo nito. |ifmnews
Facebook Comments