Kadamay, dadaan pa din sa proseso bago tuluyang maangkin ang pabahay sa Pandi, Bulacan

Manila, Philippines – Dadaan pa rin sa proseso ng National Housing Authority (NHA) ang mga miyembro ng Kadamay bago tuluyang maangkin ang mga pabahay sa Pandi, Bulacan.

Ayon kay NHA spokesman Elsie Trinidad — may mga papeles pa ring dapat ayusin sa ahensya ang mga miyembro ng Kadamay dahil hindi ganon kadali aniya ang pagkakaroon ng bahay sa ilalim ng gobyerno lalo pa’t wala namang nakalaang housing units sa mga ito.

Nilinaw din ni Trinidad, na tanging ang mga bakanteng unit lang ang maaaring maibigay sa Kadamay.


Hahanapan din sila ng mga kaukulang dokumento na magpapatunay na kaya nilang hulugan ang buwanang amortization.

Samantala, maliban dito, una nang sinabi ni Cabinet Sec. for Housing and Urban Development Coordinating Council Chairperson Leoncio Evasco na dapat maamyendahan muna ang batas hinggil dito para hindi sila makasuhan ng “technical malversation.”

Facebook Comments