KADAMAY, humiling muli na palayain ang ibang naarestong miyembro

14

Manila, Philippines – Umapela ang Gabriela sa Kamara napalayain na ang mga naarestong miyembro ng KADAMAY lalong lalo na ang mgamatatanda at mga maysakit,
  Iginiit ni Gabriela Rep. Emmi de Jesus na ang pagarestosa 41 KADAMAY members ay hindi makatarungan at maituturing na”life-threatening” o banta sa buhay ng mga matatanda at mga maysakitna myembro.
  Nauna dito ay 57 ang mga naarestong myembro ng KADAMAY saTandang Sora QC noong Abril 3 at 16 sa mga ito ang napalaya habang 41 ang nasaQCPD Safety Battalion.
  Naaresto ang mga ito matapos na i-reoccupy ng KADAMAY angmga bakante at undeveloped area sa may Barangay Apollo sa Tandang Sora.
  Matagal na nanirahan din ang KADAMAY sa lugar perokalaunan ay pinaalis na rin ang mga ito para sa pagdevelop sa lugar.
 
 
 

Facebook Comments