Manila,Philippines – Pumalag ang grupong Kadamay sa mga banta sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasalukuyang inookupa ng grupo ang mga pabahay sa Pandi, Bulacan na nakalaan sana para sa mga sundalo’t pulis.
Unang sinabi ni Pang. Duterte na pabayaan na lang ang grupo at gagawa na lang ng bagong pabahay sa mga tropa ng gobyerno.
Babala pa ng pangulo, pwersahan niyang paalisin ang mga kadamay kapag uulitin nila ang pag-okupa ng mga pabahay.
Nangako naman si Pangulong Duterte na maglalaan siya ng pabahay para sa mga mahihirap.
Ayon kay Kadamay Chairperson Gloria Arellano – dapat ang National Housing Authority (NHA) ang pinupuna ng pangulo dahil hindi napupuno ang mga pabahay.
Posible nilang ulitin ang pag-okupa kung hindi aayusin ng gobyerno ang mga pabahay.
Hiling ng Kadamay, harapin sila ni Pangulong Duterte para maintindihan ang tunay na problemang kanilang hinaharap.