Thursday, April 9, 2026

KADENA NG ASO, IBIBIGAY PARA SA MGA ASONG PAGALA-GALA SA BOLOSAN, DAGUPAN CITY

Naglabas ng paalala ang Barangay Bolosan hinggil sa dumaraming asong pagala-gala sa komunidad, na nagdudulot ng panganib sa kaligtasan ng mga residente.

Ayon sa barangay, magbibigay sila ng kadena o tali para sa mga aso upang maiwasan ang pagkalat ng mga ito sa lansangan. Binigyang-diin din na hindi biro ang panganib na hinaharap ng mga tanod sa paghuli ng mga asong pakalat-kalat.

Dagdag pa rito, maaaring magdulot ng aksidente ang mga asong pagala-gala sa mga motorista at maging sa mga naglalakad sa kalsada. Kaugnay nito, pinaalalahanan ang mga may-ari ng aso na panagutan at bantayan ang kanilang mga alaga, kabilang ang pagpigil sa mga ito na magdumi sa mga pampublikong lugar at sa harap ng mga bahay.

Hinikayat ng barangay ang pakikiisa ng lahat ng residente upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa komunidad. Ayon pa sa pamunuan, mas nais nilang maresolba ang isyu sa maayos na usapan, ngunit magsasagawa sila ng kaukulang hakbang kung kinakailangan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments