Kadete at tauhan ng PNPA na positibo sa COVID-19, gumaling na

58

Nagnegatibo na sa COVID-19 ang aabot sa 236 kadete at 13 tauhan ng Philippine National Police Academy (PNPA) at wala nang positibo sa kanilang hanay.

Ayon kay Police Major General Gilbert Cruz, agad nilang inihiwalay ang may mga close contact sa mga nagpositibo at kalauna’y nagnegatibo rin sa test.

Kabilang sa mga nagpositibo ay 232 cadets, limang officers, dalawang non-officers at apat na maintenance personnel.

Patuloy pa rin ang klase sa loob ng PNPA sa pamamagitan ng online classes para maiwasang magkahawaan.

Regular din ang ginagawang disinfection sa lahat ng pasilidad ng PNPA.

Facebook Comments