Isang tubong Bayambang, Pangasinan ang kabilang sa mga nanguna sa pagtatapos ng Philippine National Police Academy matapos makuha ang ikaapat na puwesto sa hanay ng “Silang-Paglaom” Class of 2026.
Kinilala si Police Cadet Bienesto Fidel Aguilar Junio bilang isa sa mga top graduating cadets ng akademya, patunay sa kanyang husay sa akademiko, pamumuno, at disiplina sa loob ng PNPA.
Lumaki si Junio sa pamilya ng mga lingkod-bayan bilang anak ng isang aktibong pulis at retiradong opisyal, kaya’t maaga pa lamang ay nahubog na ang kanyang pagpapahalaga sa serbisyo publiko at pananagutan bilang panganay sa kanilang magkakapatid.
Bago pumasok sa akademya, pinatunayan na niya ang kanyang liderato bilang pangulo ng pambansang pederasyon ng Supreme Student Government ng DepEd, kung saan kinatawan niya ang mga mag-aaral sa buong bansa.
Sa kabila ng mahigpit na pagsasanay sa PNPA, nanaig ang kanyang determinasyon kaya’t napabilang siya sa mga nangungunang kadete, hakbang tungo sa kanyang hangaring makapaglingkod sa bayan.
Mula sa pagiging student-athlete at youth leader, ngayon ay isa nang aspiring public safety officer si Cadet Junio—patunay sa patuloy na pamamayagpag ng mga Pangasinense sa iba’t ibang larangan at propesyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










