Makakabili na ulit ng mas murang produktong pang-agrikultura ang mga residente ng ilang lugar sa Metro Manila.
Ito’y kasunod ng muling pag-arangkada ng Kadiwa ng Pangulo sa ilang lugar sa Metro Manila, ngayong araw.
Batay sa anunsyo ng Presidential Communications Office (PCO), matatagpuan ang mga Kadiwa centers sa:
– G. Flores Street Barangay Poblacion, Pateros
– Taguig Lakeshore Complex, Barangay Lower Bicutan
– Muntinlupa City Hall
– Pasig City Hall Quadrangle
– Quezon City Hall
Nagsimula ang Kadiwa ng Pangulo ngayong araw, February 15, at magtatagal ito sa mga naturang lugar hanggang bukas, February 16.
Mas mababa ang presyo ng mga gulay at iba pang pagkain ang mabibili sa Kadiwa centers kumpara sa mga palengke at supermarkets kaya hinikayat ang publiko na samantalahin ang dalawang araw na pagbubukas ng Kadiwa outlets