Aarangkada ngayong araw ng Lunes, ika-17 ng Hulyo gaganapin ang Kadiwa ng Pangulo sa Capitol Complex bayan ng Lingayen.
Ang Kadiwa ng Pangulo ay isang inisyatibong programa ng pamahalaan kung saan ito ay gaganapin kasabay ng iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Hatid ng programang ito ang dekalidad at murang mga produkto na direktang galing sa mga magsasaka, mga kabilang sa Micro, Small, Medium Enterprises na negosyante at sa ilang Kadiwa partners ng pamahalaan.
Samantala, makikibahagi ang National Food Authority Eastern Pangasinan sa gaganaping Kadiwa ng Pangulo kung saan masaya nilang ibinalita na ibebenta lamang ang kanilang bigas sa murang halaga o nasa P25 kada kilo nito.
Bukod sa murang bigas na hatid ng NFA, mabibili rin sa kanila ang iba’t ibang klase ng mga agricultural products ng mga magsasaka maging ang mga grocery items.
Dito, inaanyayahan ng pamahalaan ang mga residente na makiisa at tangkilikin ang mga dekalidad pero murang mga produkto.
Layon nito ay upang matulungan ang mga magsasaka at upang magkaroon ng malaking tipid sa gastusin ang mga residenteng bibili sa Kadiwa. |ifmnews
Facebook Comments