Makabibili na muli ng mas murang produktong pang-agrikultura ang mga residente ng ilang lugar sa Metro Manila sa loob ng limang araw.
Magsisimula ngayong araw ang pagbubukas ng Kadiwa outlets sa Caloocan City Hall na magtatagal hanggang bukas.
Bukas, April 30, bubuksan naman ito sa:
– Muntinlupa City Hall Quadrangle
– Cuneta Astrodome, Pasay City
– Brgy. Sto. Niño, covered Court, Marikina City
– Makati City Hall
– Quadrangle Brgy. Santo Tomas Covered Court, Pasig City
Aarangkada rin sa May 1 ang Kadiwa store sa Parañaque City Hall at San Andres Court, San Andres Manila at sa People’s Park, Valenzuela City sa May 3 hanggang May 4.
Matatagpuan ang mga Kadiwa centers sa:
– G. Flores Street Barangay Poblacion, Pateros
– Taguig Lakeshore Complex, Barangay Lower Bicutan
– Muntinlupa City Hall
– Pasig City Hall Quadrangle
– Quezon City Hall
Mas mababa ang presyo ng mga gulay at iba pang pagkain na mabibili sa Kadiwa centers kumpara sa mga palengke at supermarkets kaya hinikayat ng pamahalaan ang publiko na samantalahin ang limang araw na pagbubukas ng Kadiwa outlets.