Muling isinagawa sa Dagupan City ang Kadiwa ng Pangulo Farmers and Fisherfolks Day mula Nobyembre 28 hanggang 30 sa CSI Big Atrium, na nagdala ng sariwa, abot-kaya, at de-kalidad na produkto mula sa agrikultura at pangingisda para sa mga mamimili.
Pinangasiwaan ng City Agriculture Office ang programa, na siya nang ika-siyam na edisyon sa lungsod sa loob ng 2025.
Layunin ng programa na direktang mapag-ugnay ang mga magsasaka at mangingisda sa mga mamimili upang mapalakas ang kanilang kita at suportahan ang lokal na agrikultura.
Ayon sa pamahalaang panglungsod, bahagi ito ng patuloy na programa ng pamahalaan upang palakasin ang sektor ng agrikultura at pangingisda sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







