KADIWA NG PANGULO, MULING UMARANGKADA SA DAGUPAN CITY

Muling umarangkada sa Dagupan City ang Kadiwa ng Pangulo Farmers and Fisherfolks Day upang maghatid ng mga produkto sa murang halaga.

Tampok sa Tatlong araw na aktibidad ang coffee beans, sweet delicacies, rice cakes, chips, mga gulay at iba pang local products.

Patuloy ang layunin na maihatid sa mga konsyumer ang abot kaya ngunit dekalidad na mga produktong mula mismo sa lokal na magsasaka at mangingisda sa lungsod upang masuportahan ang kanilang hanapbuhay.

Ito na ang ikalabing dalawang Kadiwa ng Pangulo na isinagawa sa lungsod simula nang ito’y ilunsad noong June 2023. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments