KADIWA ng Pangulo, nasa Valenzuela City ngayong araw

Dumayo ngayong araw sa Peoples Park sa lungsod ng Valenzuela ang KADIWA ng Pangulo.

Sa abiso ng Valenzuela Local Government Unit (LGU), maghapon na magbebenta ang KADIWA outlets ng iba’t ibang pangunahing bilihin.

Ang mga dekalidad na produkto ay direktang nakukuha mula sa local farmers kaya’t mas sariwa at abot kaya ang presyo.


Kabilang sa mga ilalakong paninda ang mga gulay, prutas, isda, itlog, karne ng manok, baboy, murang bigas at iba pa.

Hinihikayat ng LGU ang publiko na samantalahin ang pagkakataong ito at maagang magtungo sa KADIWA ng Pangulo.

Binuksan ito sa publiko kaninang alas-7:00 ng umaga at tatagal ng alas-5:00 ng hapon.

Facebook Comments