Kadiwa ng pangulo stalls, inilunsad sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila

Makakabili na ulit ng mas murang produktong pang-agrikultura ang mga residente ng ilang lugar sa Metro Manila.

Ito’y kasunod ng muling pag-arangkada ng Kadiwa ng Pangulo sa ilang lugar, simula noong March 18.

Nakapwesto ang Kadiwa stalls sa iba’t ibang lugar sa Maynila, Mandaluyong, Quezon City, Las Piñas, Caloocan, Pasig, Makati at iba pang lungsod sa National Capital Region (NCR).


Magtatagal ito hanggang Miyerkules Santo, March 27.

Hinikayat naman ng Department of Agriculture (DA) ang publiko na bisitahin ang kanilang Facebook page para makita ang buong schedule at lokasyon ng mga kadiwa stalls.

Facebook Comments