KADIWA NG PANGULO, UMARANGKADA SA BAYAN NG CALASIAO

Tampok ang iba’t ibang lokal na produkto mula sa iba’t ibang bayan ng Pangasinan ang mabibili sa isinagawang Kadiwa ng Pangulo sa Calasiao bilang bahagi ng selebrasyon ng Puto Festival, kahapon.

Ayon kay Municipal Agriculture Officer Gerald Quinit, layunin ng naturang kaganapan na mapalakas pa ang pagpapayabong ng agrikultura sa bayan, kung saan nakatuon ang kanilang panawagan sa mga kabataan.

Makikita sa kadiwa ang mga abot-kayang produktong tulad ng gulay, bigas, ba’t ibang klase ng karne tulad ng kambing, maging ng cacao na ipinagmamalaki sa bayan ng San Jacinto.

Ayon kay Sir Conrad Soriano, na sa mga kabilang sa exhibitor ng Kadiwa ng Pangulo, malaking tulong umano ang programa ng gobyerno upang maipakilala ang kanilang nga inilalako.

Kakaiba rin ang set-up ng mga miyembro ng 4-H Club na kabilang sa pagppromote ng mga produkto sa pamamagitan ng online selling o ang E-Lako.

Samantala, isinagawa rin kahapon ang libreng veterinary mission para sa mga alagang hayop sa Calasiao. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments