Kadiwa ni Ani at Kita rolling store, aarangkada ngayong araw sa Quezon City

26

Muling na namang umarangkada ngayong araw sa Quezon City ang Kadiwa ni Ani at Kita Rolling store.

Simula alas-7:00 kaninang umaga, nasa harap na ng Barangay Hall ng Barangay Teachers Village East sa Maginhawa St. ang rolling stores na proyekto ng QC Hall at Department of Agriculture o DA.

Makakabili na ng mga sariwang gulay, prutas, karne,itlog at bigas at iba pa ang mga residente na hindi na kailangang pumunta sa mga palengke.


Karamihan sa mga paninda ng Kadiwa on Wheels ay direktang nakukuha sa local farmers ng lungsod ng Quezon.

Sa darating na Oktubre 21, iikot naman ito sa Barangay Sikatuna Village hanggang tanghali.

Facebook Comments