Kadiwa ni Ani at Kita Rolling Store, naglilibot na sa ilang komunidad sa QC ilang araw bago ipapatupad ang ECQ

Target ngayong araw ng Kadiwa ni Ani at Kita Rolling Store na dayuhin ang Barangay Valencia sa Quezon City para makapagbenta ng pagkain sa murang halaga.

Pangalawang araw na ngayon ng paglilibot ng Kadiwa Store sa lungsod na inisyatiba ng Quezon City Local Government Unit (LGU) at Department of Agriculture (DA) bago muling ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Agosto 6 hanggang 20.

Sa harap ng barangay hall ng Valencia sa Santolan Road pupwesto ang Kadiwa Store at maaaring makabili ng sariwang gulay, prutas, karne, isda at iba pang pagkain ang mga residente sa murang halaga.


Bukas target namang puntahan ng Kadiwa ni Ani at Kita ang Tesda grounds sa Amorsolo Civic Complex, CP Garcia Avenue, Barangay UP Campus para ialok ang dalang murang produkto sa mga residente.

Una nang inihayag ng DA na may sapat na suplay na pagkain ang Metro Manila kahit sa panahon na ipapatupad ang ECQ at handang magpadala ng mga Rolling Store sa komunidad.

Facebook Comments