
Hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang mga residente ng bayan ng Lingayen na mamili ng mga produktong inilalako sa inilunsad na Kadiwa on Wheels sa nasabing bayan.
Ito ay sa kadahilanang mababa ang presyohan dito na isa sa layunin nito na makabili ng iba’t ibang produkto sa murang halaga lamang.
Sa Kadiwang ito ay nasa labin-dalawang (12) mga Farmer o Fisherfolk Cooperatives and Associations (FCAs) at nasa labing-walong (18) micro, small, and medium enterprises (MSMEs) exhibitors ang nakilahok dito kung saan pinangunahan ito ng Provincial Agriculture Office (OPAg).
Ayon sa ilang mamimili, malaking tulong umano ito sa kanila dahil mura ang presyuhan at may tsansa umanong bilhin ng murang halaga ang gusto nilang bilhin at maging ang mga kabilang na MSMEs at ilang tindera dahil magkakaroon umano sila ng pagkakataon na ma-promote ang kanilang produkto at upang makapagbenta ang mga ito.
Layunin nito upang mas paigtingin pa ang direktang kalakalan sa mga magsasaka at mangingisda maging ng mga mamimili sa kanilang mga produkto.
Sa ngayon ang nasabing kadiwa, ay pang-walo nang isinasagawa ng Pamahalaan panlalawigan sa iba’t ibang bayan sa probinsya ayon sa Provincial Agriculture Office.
Matatandaan na naglunsad din ang BFAR Region 1 ng parehong programa bilang pakikiisa sa buwan ng mga kababaihan noong buwan ng Marso. |ifmnews
Facebook Comments









