KADIWA ON WHEELS, TULONG PARA SA MGA MAGSASAKA, PATULOY NA ISASAGAWA SA BAYAN NG BINALONAN

Isa sa tulong ng LGU ng bayan ng Binalonan ay ang Kadiwa on Wheels na kung saan tampok rito ang kanilang mga lokal products na ibebenta upang matulungan ang mga magsasaka sa nasabing bayan. Mag uumpisa ito sa nalalapit ng May 19, araw ng Biyernes ngayong taong 2023.
Ito ay bilang bahagi ng programa ng Department of Agriculture at Municipal Agricultural Office sa nasabing bayan.
Mahalaga pa ring tangkilikin at suportahan ang ating mga lokal na produkto dahil ito ay ang ating sariling produkto. Dahil dito, mas natutulungan rin natin ang mga kapwa natin kababayan sa paghahanapbuhay at makakatulong rin tayo para sa lokal na ekonomiya sa ating probinsya. |ifmnews

Facebook Comments