Dagsa ang naging mga mamimili sa Kadiwa on Wheels sa Capitol Complex na tampok ang mga bilihing gulay at iba’t-ibang lokal na produkto ng probinsya ng Pangasinan.
Ang mga produktong binibenta ay mula sa mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) na magsasaka at mga kooperatiba.
Sa pangunguna ng gobernador ng lalawigan at pakikipagtulungan sa Department of Agriculture katuwang ang Office of the Provincial Agriculturist, naglalayon sila na matulungan ang mga magsasaka at maihatid sa mga kababayan sa mas murang halaga ang kanilang mga ani o produkto.
Tatlumpot dalawang Exhibitors mula sa iba’t-ibang bayan ang nakilahok sa ginaganap na Kadiwa on Wheels at isinasagawa ito isang beses sa isang buwan sa Lingayen. |ifmnews
Facebook Comments