Ikinalugod ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang paglulunsad ng gobyerno ng Kadiwa para sa mga manggagawa.
Sa pamamagitan nito, direkta nang maibabagsak sa mga Kadiwa store ang mga produkto ng mga magsasaka.
Mawawala na ang layers at intermediaries na sanhi ng napakataas na presyo mga produktong agrikultura.
Pero, ayon sa TUCP, hindi lang dapat magtapos sa paglulunsad ng Kadiwa ang gawing interbensyon ng gobyerno para maibsan ang pasanin ng mga manggagawa sa nararanasang high inflation.
Giit ng pinakamalaking labor center sa bansa, dapat magsumikap ang pamahalaan na habulin at usigin ang mga smuggler.
Maliban sa TUCP labor center sa Diliman, Quezon City, palalawakin din ang Kadiwa para sa manggagawa sa iba pang panig ng bansa.
Ayon sa TUCP, ikakalat din ang Kadiwa para sa mga manggagawa sa Cagayan de Oro, Cebu, Davao del Norte, Pangasinan, Leyte, at Bukidnon.
Ito’y sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture at Department of Trade and Industry.