Kadiwa project ng gobyerno, malaking tulong sa mga local producer ayon kay PBBM

Nagbebenepisyo sa Kadiwa project ng pamahalaan ang mga local producer ng mga maliliit na produkto.

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa harap ng lumalaki ng bilang ng Kadiwa hindi lamang sa Metro Manila maging pati na sa buong bansa.

Ayon sa pangulo, sa pamamagitan ng Kadiwa ay nabigyan ng market ang mga lokal na producer at nagkaroon ng lugar na mapagbebentahan ng kanilang mga produkto.


Kaya kung tutuusin ayon sa pangulo ay hindi lamang nabibigyan ng pagkakataon ang taumbayan na makabili ng mga bilihin sa mas mababang presyo kundi nakatutulong din aniya ang Kadiwa sa mga magsasaka.

Sa ngayon ay nasa 300 at 50 nang mga Kadiwa mayroon sa buong bansa at itutuloy na rin ang operasyon nito ayon sa pangulo kahit matapos na pagdiriwang ng Pasko.

Facebook Comments