Kadiwa Rolling Store, patuloy ang serbisyo ngayong araw sa Maynila

29

Magapapatuloy ang serbisyong hatid ng Kadiwa Rolling Store para sa mga Manileño sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Aarangkada ang Kadiwa Store alas-7:00 ng umaga, ngayong araw, August 10, 2020.


Kabilang sa mga lugar na target ng Kadiwa Rolling Store ngayon ay ang:
– Brgy. 657, Zone 70, sa Victoria St. Cor. Escuela St., Intramuros Manila
– Brgy. 770, Zone 84, Estrada Ext. (Sagrada Familia St.) Cor. Oro-B, Ermita Manila

Kabilang sa katuwang ng Manila City government sa nabanggit na programa ang Department of Agriculture, Tinapayan Festival at Igorot Crops.

Sa kabuuan ay umaabot na sa 181 na barangay ang naserbisyuhan ng Kadiwa Rolling Store.

Nabatid na Abril nang magsimulang umikot ang Kadiwa Rolling Store dala ang mga murang bilihin kagaya ng prutas, gulay at tinapay.




Facebook Comments