Kadiwa stores sa bansa, target buksan para sa prangkisa upang matiyak ang mababang presyo ng pagkain

Pinag-aaralan ng Department of Agriculture (DA) na buksan para sa prangkisa ang mga Kadiwa store.

Sa ilalim ng Kadiwa franchising, papayagan nilang gamitin ng pribadong sektor o mga kooperatiba ang pangalan ng Kadiwa sa ilang piling lugar.

Sa Malacañang Insider, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, mahalagang mapanatiling may mga Kadiwa store sa iba’t ibang panig ng bansa para sa abot kayang presyo ng mga produktong pagkain.


Pero, kailangan aniya ay sumunod ang mga kukuha ng prangkisa sa mga panuntunan at patakaran ng DA.

Bukod dito, target din ng ahensya na magtakda ng standardized operating hours sa mga Kadiwa stores sa bansa, kasabay ng pagsisikap na gawin itong permanent sa iba’t ibang lokasyon sa bansa.

Sabi ni Laurel, sa ngayon kasi ay 17 pa lamang ang Kadiwa stalls na may regular na operasyon pero dadagdagan nila ito kada buwan para maabot ang 1,000 target sa susunod na apat na taon.

Facebook Comments