Target ng administrasyong Marcos na maraming pang mga outlets ng Kadiwa stores ang ilalagay sa buong bansa.
Ito ang kinumpirma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., (PBBM) sa pagbisita niya sa Kadiwa ng Pasko market sa Quezon City Hall kaninang umaga.
Sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na nais niyang gawing national program ito bilang tulong sa mga Pilipino sa gitna na rin ng patuloy na pagtaas na presyo ng mga pangunahing bilihin.
Kasunod nito, inihayag ng pangulo na magpapatuloy ang mga Kadiwa stores hanggang sa susunod na taon.
Dagdag pa ni PBBM, hihinto lang ang Kadiwa kapag dumating na sa puntong pareho na ang presyo sa Kadiwa store at sa mga pamilihan.
Kaya naman, tiniyak ni Marcos Jr., na maayos at sapat ang suplay ng agricultural products sa bansa hanggang sa unang kwarter ng 2023.
Una nang binisita ni Pangulong Bongbong Marcos ang nasa 16 na Kadiwa stores sa Metro Manila at ilang lugar sa Visayas at Mindanao noong Nobyembre.