Target ng pamahalaan na maitaas pa sa 700 ang bilang ng Kadiwa ng Pangulo Centers sa buong bansa pagdating ng Marso.
Ayon kay Agriculture Asec. Arnel de Mesa, palalawakin pa nila ito ngayong taon at bago matapos ang 2028 ay nasa 1,500 na ang bilang ng Kawida ng Pangulo sites sa buong bansa.
Ang mga Kadiwa Store ay ang proyekto ng pamahalaan na direktang maibenta ang produce ng agri sector sa mga consumer sa mas abot-kayang halaga, kumpara sa merkado.
Kaugnay naman sa supply ng Nutri at Sulit Rice o iyong mga mas murang bigas na magiging available na rin sa Kadiwa Centers ngayong Enero, sa ngayon ayon sa opisyal ay matatag ang supply nito.
Ang namamahala aniya sa supply ay ang Food Terminal Incorporated at tiyak na marami pa ang supply nito para sa lahat.