Manila, Philippines – Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International AirportC (NAIA) ang tatlong Iranians na nagpanggap na mga Belgians at sinasabing biktima ng International trafficking syndicate.
Ayon kay Immigration port operations division chief Marc Red Mariñas, galing sa Bangkok, Thailand ang naturang mga pasahero.
Agad silang pinabalik ng Bureau of Immigration sa kanilang port of origin.
Tumanggi ang BI na pangalanan ang mga pasahero dahil dalawa sa mga ito ay menor de edad at pinaniniwalaang mga biktima lang sindikato na nagpagamit sa kanila ng Belgian passports.
Bigo rin ang mga dayuhan na maipaliwanag ang tunay nilang pakay sa pagpunta sa bansa.
Facebook Comments